Thursday, June 3, 2010

Revelation

Iba ang pagmamahal ng Lord sa bawat isa sa atin. Sobrang nakakamangha kung paano niya pinapakita ito. Minsan ay literal, minsan ay di maipaliwanag.

Matagal na kong hindi nakakapakinig ng mga praise and worship songs sa ipod. Madalas kasi puro mga trip kong music ang pinapakinggan ko -- yung mga kantang makakapagpaimprove sa aking musicality. Kanina, noong nasa jeep ako patungong lrt, nakinig ako ng ipod. Nagsimula kay Norah Jones ang aking pakikinig. Pag tapos ng Carnival Town na kanta, ini-scan ko ang mga playlist ko at sa di malamang kadahilanan. Bigla kong napansin ang More than Life album ng Hillsong United. Eto ang isa sa mga pinakapaborito kong album. Sobrang powerful ng mga kanta sa akin. Habang pinapatugtog ang mga awit, nagbalik ang napakadaming alaala. Pati ang simoy ng hangin noong panahon kung san sobrang init ko kay Lord ay parang naaalala ko dahil sa simoy ng hangin ngayon. Ipinikit ko sandali ang aking mga mata at sa di alam na dahilan, parang ako'y naluluha. Kasabay ang awit na Where the Love Last Forever, ako'y taimtim na nakinig sa bawat mensahe ng awitin. Nagsimula sa "It used to be darkness... without you", unti-unting nangusap si Lord sa akin. Lahat ng mga milestones ko bilang Christian ay bumalik. Ang sarap ng pakiramdam. Lahat ng bugnot ko sa buhay ay biglang winalis ng pagmamahal ni Lord. Malinis na malinis. Kadalasan kasi, sa mga ganitong oras, ako'y sobrang bugnutin ay masungit dahil sa pagod at mga nakakairitang tao. Noong ako'y nakasakay na sa LRT, tinitignan ko ang bawat isang tao sa paligid ko, parang may nangungusap sa'kin na sinasabing ako'y mapalad dahil ako'y niligtas ng Lord. Hindi ko alam pero tiyak akong hindi lamang ako itong nag-iisip. Madalas kasi ay wala akong pakialam sa paligid. As in.

Salamat Lord!

0 comments: