Kasalukuyan, ako'y lulan ng lrt. Nakaupo ako ngayon sa loob. Malamig ang aircon. Kaso ang taba ng katabi ko sa kaliwa. Nagigitgit ako sa "baby" fats niya. Kakairita tuloy kaso wala naman akong magagawa dun. Hindi naman sya salbabida na pwedeng tanggalan ng hangin. Gumagalaw sya ngayon. Kaunting galaw lang parang titilapon ako papunta sa kanan. Sana malapit na siyang bumaba. Buti kung parang unan yung pagkataba niya eh. Parang gulong kasi. Ang tigas.
Kanina dumaan sa isip ko ang ilang mga memories sa aking buhay. Naalala ko ang paborito kong radyo noong bata pa ko. Kung aking matatandaan, ito'y Jollibee na radyo, yun bang sa kiddie meal nila. Si jollibee mismo yung character
na pinabili ko sa mama ko. Kasama ko ito palagi hanggang matulog. Palipat lipat ng istasyon ngunit paborito ko non ang kool 106. Tumatawag nga ko non, kaso laging busy o kaya naman walang sumasagot. Nakakatuwa alalahanin. Ito ata yung panahon nung kantang "kinawawa". Kung alam niyo yun, parang hit yon non eh.Masaya ang may radyong katabi sa pagtulog. Naalala ko, noong umuuwi kami madalas sa Angeles at hindi sasama ang kuya ko, takot akong matulog mag-isa sa kwarto. Kadalasan pag madaling araw na, kinakatok ko ang kwarto nila mama ko para makitulog. Pero pag talagang pinandigan kong matulog mag-isa sa kwarto, binubuksan ko lang ang radyo namin. Isa sa mga malilinaw na ala-ala ko noong hindi ako makatulog non, "year-end" countdown ang program non. Ang saya kasi mga hit na kanta nong taon nayon ang pinapatugtog. Countdown from 100 to 1 ata yun eh. Kaya nakatulog ako ng mahimbing himbing. Nakakatakot kasi non ang katahimikan. Kaunting kalabog lang, feeling ko may mumu na. Kakamiss, sarap balikan.:)
Wednesday, May 12, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment