Ilang gabi ko nang hinahanap hanap ang Mang Inasal chicken pati ang crispy kangkong nila. Napapadalas akong kumain dito. Ang sarap kasi. Ewan ko ba. Binibihag ako ng lasa ng chicken barbeque lalo na ang pagsawsaw sa sawsawan nito. Ang maganda pa diyan ay ang unli rice nila. Nauuso na talaga ang unli eh no? Unlimited load sa cellphone, internet, drinks.. Ngayon.. Pati sa kanin na. Actually matagal na to, kung hindi ako nagkakamali, Tokyo Tokyo yata ang nagpauso. Isa sila sa may sala kung bakit madaming matataba at tumataba pang mga tao. Nabibilang na ata ako dun ngayon.
Simula nang nagkatrabaho ako, unti-unti akong lumulubo sa pangangatawan. Hindi ko naman gustong tumaba ngunit doon humahantong ang mga bagay. Sana isang jebs lang labas agad ang mga fats eh ano? Well, ganyan talaga ang buhay. Kaya may negosyo ang mga gym at aerobics center. Lalo sigurong gumaganda ang takbo ng kanilang negosyo ngayon. Congrats sa kanila.
Alas singko na ngayon, isang oras nalang at makakaalis na ko sa nakakapagod at nakakasawang silid kung saan ako naroroon ngayon. Ngunit bago ako makaalis, maririnig ko nanaman ang dakilang jingle ng radio show ni Atty. Aga. Dapat Atty. Gabby nalang ang pangalan niya. Gabi na kasi ang radio show nia. Nyek nyek nyek.. Oo na, korni na. Excited na talaga ako umuwi.. O, chicken inasal parating na kami.
Sana walang traffic mamaya sa aking pag-uwi. Gaya ng mga nakaraang araw na swabeng swabe ang biyahe, sana ganon padin ngayon. Para maaga akong makarating sa Binondo. Excited na kong makita si dada Zarah. Yihee!
Sige.. Hanggang dito nalang muna. Paalam! (parang batibot!)
Thursday, March 4, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment