Ginaganahan ulit akong magblog via mobile a. Hehe. Ewan ko ba?! Nakakatuwa lang kasi yung ideya na para bang may dala kang notebook palagi. Yung tipong anytime, anywhere, pwede mong itala lahat ng mga pangyayari.
Ako ngayo'y nandito sa opisina. Kagaya ng ibang araw, ang pakiramdam pag ganitong mga ala una ay nakakatamad. Parang gusto kong matulog at magpahinga. May radyo ngayon na pinapatugtog, dzrh ang istasyon. Iba ibang programa. Merong dulaan, news etc. Noong unang pasok ko dito, korning korni ako sa mga pinapakinggan nila ngunit habang tumatagal, unti unti ko nang nasasakyan ang nakagawian dito. Kabisado ko na ata ang sunod sunod na programa. Isa lang ang hindi ko matanggap.. Ito ay ang jingle ng station. Di ko lam bakit naiinis ako sa tono. Nakakakulo ng dugo. Araw-araw yan.
Nakakatuwa din ang programa ni Raffy Tulfo na ngayo'y pinapakinggan dito. Nakakatawa kung pano niya awayin yung mga tiwaling mga tao, gaya ng abusadong pulis at iba pa. Nakakaentertain.
Ang hudyat ng uwian na ay ang programa ni Atty. Aga na meron ding nakakapikong jingle. Sa kagandahang palad, uwian na namin yun. Tuwing ala sais na, laging may magsasabi dito sa opisina na, ''Uwi na tayo, Atty. Aga na!'' At masaya nang uuwi ang lahat.
Yan ang buhay ko dito sa kulungan, este.. Opisina.. Magandang hapon sa inyo!
Tuesday, March 2, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment