Tuesday, March 2, 2010

ang umaga

Ako'y nasa opisina na ngayon. Pag dating ko, ako'y dumeretso sa bundy clock upang mag time-in. Sa kagandahang palad, hindi ako late. Ang problema lamang ay sira ang bundy clock, imbis na 9:55am ako naka in. 8:37 ang lumabas. Lagi nalang nagtotopak ang bundy clock namin. Bakit ba kasi tinawag na bundy clock to. Hindi ko alam, pero, nakakainis lang pakinggan, para bang matabang kalbo na hirap na hirap umakyat ng hagdan. Kasalukuyan akong nakatengga, for the nth time. Palagi nalang akong tengga. Nakakainis lang yung pakiramdam na parang wala akong naaccomplish na bagay sa isang araw. Parang nagsayang lamang ako ng panahon. Dibale, makakahanap din ako ng trabahong siguradong mamahalin ko. Yung wala akong kaiinisang mukha na nagpapakulo ng aking dugo. Nakakasira ng araw.. Darating din ako diyan. Sigurado..

0 comments: