Thursday, June 4, 2009

Panalo ang Lakers sa Game 1!

Nagising ako ng maaga kanina kahit puyat kagabi. 8 AM palang! Wala naman gumising sa akin. Alam kasi ng katawan ko na NBA Finals ngayong umaga ng 9AM. Ayos nga kasi advance ako ng 1 hour nagising kaya nahimasmasan na ang sarili. Masakit man ang ulo at maantok antok pa. Okay lang! Nagbalik na ang dati kong hilig sa panonood ng basketball! Sabagay, finals eh!

Yehey! Nanalo ang Lakers sa Game 1 ng 2009 NBA finals. Exciting yung match nung simula pero pag dating ng 3rd quarter sinabon na ng L.A. ang Orlando. Grabe si Kobe, ang lupit nung 3rd quarter, pinarusahan ang kalaban. Halos lahat ng tira pasok. Ibang klase. Nagtapos tuloy ang laban na 40 points siya. Galing. Idol. Isa siya sa idol ko sa NBA. Hehehe. Silang 2 lang ni Michael Jordan. Pwede din si Lebron hehe. Galing din ng buong L.A. team. United sila offensively at defensively! Lahat ng ginagawa nila halos tama. Napigilan pa nila si Howard pumuntos. Isipin mo one 1 out of something lang ang field goals ni Howard. Ang ibang puntos niya ay nakuha niya sa freethrow.

Sana mas exciting ang laban sa susunod. Excited na ko!:)

0 comments: