
Nakita ko si Rhian Ramos sa Cebu last last week. Di ko akalain magkakaroon ako ng pagkakataon magpapicture kasama siya. Hindi naman ako yung tipikal na taong mahilig magpapicture sa artista, pero iba kasi to, crush ko kasi sobra si Rhian Ramos, matagal na.
Naalala ko nung nagpapalipas kami ng oras sa SM Cebu nila Zarah, Kuya Pat at Ate Netty, nagtext bigla si Carrie sa amin na nakita nila si Rhian Ramos sa Traveller's Lounge. Agad kong niyaya si Zarah upang huntingin kung saan naroroon ang pinakamagandang artista sa balat ng lupa. Pinilit naming hanapin, ngunit kami'y sawi. Umalis akong malungkot dahil hindi ko na makikita si Rhian at aalis na kaming Cebu.
Pagdating ng airport, nakita namin ang iba't ibang kaibigan na nakasama namin sa convention, naghihintay ng flight nila. Pinakita pa nga nila sa akin ang picture nila kasama ni Bugoy ng PDA. Tuwang tuwa sila dahil nakapagpapicture sila. Naalala ko tuloy si Rhian na hindi ko nakita sa SM. After ilang hours, umalis na ang mga kaibigan namin. Kami nalang ang nag-aantay ng flight pabalik ng Manila. Ilang minuto ang lumipas, bumalik sila Ate Netty na may magandang balita, andoon daw si Rhian Ramos sa loob ng airport. Nagmadali akong puntahan kung nasaan siya naroroon. Tumigil ang mundo nung nakita ko siya. Mas maganda pala siya sa personal. Mukhang manika o Barbie nalang para mas sosy-- Maganda ang hugis ng mukha. Maganda ang napakahabang buhok. Maganda ang mata, ilong at bibig. Lahat na! Hindi ko din akalin na maliit lang pala siya. Well, hindi naman sobrang liit pero mas maliit ng konti sa akin. Buong akala ko kasi parang matangkad siya talaga siya. May mga ibang kasama namin sa convention na naunang nagpapicture, naalala ko nga sinabi ni Rhian na, "Pwede bumili muna ako ng inumin, di naman ako aalis eh." Sinabi niya ito not-in-a-sungit-manner. Sweet nga eh, ang ganda ng boses. Dumating ang pinakaiintay, nagkaroon na ng pagkakataon para magpapicture sa kanya. Hindi nga ko dumidikit dahil talagang nahihiya ako sobra as in, kumakabog ang dibdib ko. Pero siya yung dumikit. Ang bait.:) Kahit mukhang pagod na pagod na siya sa gig niya, hindi parin siya masungit kagaya ng ibang primadona. After non, nagthank you ako sa kanya at nagkatinginan kami sa mata dahil nga sa pagpapasalamat ko. Hayyy, may sinabi siya pero hindi ko na maalala dahil wala talaga ako sa sarili ko nung mga panahon na iyon. Basta masayang masaya ako nung gabing iyon. At heto pa pala, kasabay pala namin siya sa plane. Nalaman ko lang nung pababa na kami ng escalator sa NAIA, nakita ko siya pababa din. Ayun, kasama namin nag-aantay ng mga nakacheck in na baggage. Nakashades nga siya at nakagray na jacket. Sobrang ganda. Hayy.
At unti unti siyang naglaho.........
Bihira na akong managinip, pero netong mga nakaraan nabibigyan ako ng pribilehiyong maglakbay sa mga lugar na imposibleng puntahan, mga taong imposibleng makita -- iyon ay sa panaginip. Kagabi, nanaginip ako. Ang galing dahil konektado kay Rhian Ramos, nameet ko daw siya at naging magkaibigan kami. As in! Kinwento ko nga sa kanya in-a-pacute-manner na nagkita kami sa Cebu at nagpapicture ako sa kanya, na inantay ko siya sa SM etc. Tapos as in nagkkwentuhan kami. Kung aalalahanin ko, yung suot niya yung gray jacket din eh. Weird lang yung mga setting ng panaginip, sa loob ng Chiang Kai Shek, kung saan ako nag highschool. Yung sa may hallway ng mga 4th Year. Ang linaw linaw ng panaginip. Mukha talagang totoo. Mukhang kadugtong ng aming pagkikita. Kala ko talaga totoo na. Kaso nagising ako.
At unti unti siyang naglaho......
** got the photo from sweetestspot via flickr **
0 comments:
Post a Comment