
Mayo 3, 2009. Muling sumabak si Manny Pacquiao sa ring upang makipagtunggali kay Ricky Hatton.
Magandang balita. Nanalo ang ating Pambansang Kamao!
Hindi ko inakala na magiging ganun kabilis ang laban. Akala ko ay mahihirapan si Pacman sa katunggaling si Ricky Hatton. Akala ko si Hatton ang may tsansang magpabagsak sa ating bayani ngunit nagkamali ako. Unang round pa lamang ay malinaw na na si Pacquiao ang nagdidikta ng laban, napatumba din niya sa round na ito ang katunggali. Dumating ang ikalawang round ng laban at pinataob na ni Manny si Hatton, dahilan upang itigil na ng referee ang laban. Pinatunayan muli ni Pacman na sya talaga ang Pound for Pound Best Fighter in the World sa panahon ngayon!
Tiyak ang buong bansa ay masaya kahit bitin sa bakbakan! Congratulations Manny!
0 comments:
Post a Comment