Sunday, May 3, 2009

Isip Ko'y Nawala

Saan nagtutungo ang mga bagay na nawala sa ating isip?

Madalas itong mangyari sa bawat isa sa atin. Yung mga pangyayaring may balak tayong ipahatid sa ating kausap ngunit biglang mawawala yung kaisipang gusto nating sabihin. Pilitin man nating alalahanin ngunit ito'y tila liwanag sa bilis ng pag-alis. Minsan may tsansang mahagilap. Madalas, wala.

Anu-ano kaya yung mga kaisipang iyon? Ilan kaya ang mahalaga? Ilan kaya ang kababawan lamang? Ano kaya ang tamang pamamaraan ng paghagilap sa mga ito? Ang kasagutan ay nakasalalay sa kawalan!

0 comments: