Kailangan ko nang puamayat talaga. Kailangan.
Sana magkatrabaho na ako para kahit papano kumikita na ng pera ng tuloy tuloy. Ieenroll ako ang sarili ko sa gym para manghinayang ako sa aking binayad at pilitin kong magexercise. Sana lang hindi hectic ang schedule sa trabahong dadating. Pero kung iyon ang solusyon para pumayat ako okay lang sa akin ang madugong trabaho.
Naiinis ako. Gusto ko na talagang pumayat. Pipilitin kong kumain ng kaunti. Pipilitin kong hindi na um-order ng extra rice hangga't maaari. Layuan niyo kasi ako mga tukso sa paligid --masasarap ng mga pagkain. Hindi ako makaconcentrate para maging payat.
Kailangan ko nang puamayat talaga. Kailangan.
Nagmamakaawa ako sa aking sarili. Huwag ka nang masyadong kumain ng kung ano ano. Lalo na yung mga nakakatabang pagkain. Alam kong di mo kasalanan ang maging "hobby" ang pagkain pero kailangan mo nang tigilan ito.
Parang awa mo na, para sa akin.
Kailangan ko nang puamayat talaga. Kailangan.
1 comments:
Yung iba tumaba nung nagkatrabaho (gaya ko). Lalo na't masarap kumain ng kumain kapag nabo-bore ka sa office, etc.
Tara Dencio's tayo.
:))
Post a Comment