Wednesday, May 6, 2009

Bagong Inspirasyong pang Musika

Bagong inspirasyon ko ngayon sa musika ay si Akira Jimbo. Isang napakahusay na drummer. Isa siyang Hapones na napakagaling talagang pumalo. Aakalain mong may percussion-istang tumutugtog kapag sya ang bumibira ng metro. 

Matagal tagal ko naring naririnig si Mr. Jimbo. Siguro highschool ako noong una ko siyang makilala. (sa pangalan syempre) Nakilala ko siya mula sa kaibigan sa Caloocan Bethel-- si Franb. Una ko din narinig ang kanyang musika ng isalang nila (mga kaibigan sa Bethel) ang casette tape na pinamagatang JimSaku, na binubuo ni Akira "Jim"bo at ni Tetsuo "Saku"rai. Drum and bass lang itong album na ito pero halimaw, mabangis na mabangis.

Sa kasalukuyan, nagkaroon ako ng pagkakataong makakuha ng mga "latest" album ni Mr. Jimbo. Natuwa ako dahil ang bassist pa niya ay si Abraham Laboriel Sr -- isa ring respetadong bajista.

Bago ulet ang playlist ko ngayon! Weeeee!

0 comments: