Lalo na nung nadiskubre ko yung pagrerecord sa PC-- nung mga panahong nadiskubre ko ang paggawa ng backing tracks na nagsimula sa Guitar Pro at later on, nagupgrade sa Fruity Loops.
Pinapakinggan ko ngayon sa soundlick.com yung mga nagawa kong instrumental guitar na musika. Yung mga mapalad na nakabilang sa pagupload ko ay nandon. Sa kasawiang palad, yung mga hindi nakabilang doon ay napunta sa dagatdagatang kawalan, nasira kasi yung PC ko dati at kailangan ireformat. How sad.
Tumatanda na din siguro ako, nagkakaroon na ng priorities. Natutunan ko nang pakawalan ang pagkaadik sa gitara. Masaya ngunit lumalamon ng oras. At dahil wala naman akong balak sumikat mainstream, hindi worth it ang paggugol sa pagpapractice ng ganung kahabang oras.
Rockstar ata ako. Bed room rockstar.... Noon!
0 comments:
Post a Comment