Tuesday, May 5, 2009

Action Packed Day!

Kauuwi ko lang, galing practice ng music team para sa One Job sa Cebu next week. Exciting! Enjoy na ang jamming! Libot libot after magpractice. Pumunta kami sa Bonifacio High Lands, Market Market at Serendra. Masaya! Nahuli din kami ng lis-pu ng Makati nang kami'y pauwi na! Magic! Biglang lumilitaw sa dilim. Thank God, after mahabang negosasyon, napakiusapan naman! Balak pa sanang humingi ng lagay! Hep hep! Di pwede! Pastor ang kuya ko!

Medyo kaaga-agahan:

Pumunta ako ng Binondo para kunin ang aking mga gamit para sa praktis namin -- gitara at effects. Bumili din pala ako ng guitar strings sa raon, kalawang na kasi yung gamit ko non, oras ng palitan. Nagdala ako ng bag na walang laman, kung hindi basura lamang. Naisip ko kasing paglagyan ng mga effects ko para hindi hassle magbitbit pauwi. Una kong tinungo ang Raon, para bumili ng string, naglibot libot ako upang humanap ng string na mumurahin, para sa praktis lang. Ilang tindahan din ang nilibot ko at napagtanungan. Hanggang sa nagdesisyon akong pumunta sa pinakauna kong natanungan. Nang ako'y naglalakad, napansin ko na may gumagalaw sa likod ko. Presto magnanakaw caught in the act. Nagkunwari syang naglalakad nalang dahil huling huli ko sa akto. Pag tingin ko ng bag ko, bukas ang mga bulsa, yung dalawang bulsa. Ang lupet. Hinabol ko siya at kinompronta, hindi ko kasi alam baka sakaling may nakuha siya na kung ano. Sabi ko, "Ba't mo binubuksan ang bag ko!" habang hawak ko ang bag niya upang tingnan ang laman. Sabi niya, "Sige tingnan mo kung meron." Malamang wala siyang nakuha sapagkat huling huli ko sya sa akto nang kukunin pa lang niya. Iniwan ko na siya dahil wala namang nakuha nang may biglang nagsabi na magnanakaw daw talaga yun. Dahil di ko alam kung may nakuha ba talaga siya binalikan ko siya at sinabi kong "Sinabi ko na huling huli kita sa akto!" Sumasagot pa tong damuhong to. Sinabi niyang, "Nabangga ka lang eh." Lupit din nitong tatangatangang to. Nabangga ako bukas lahat ng bulsa. Sinabi ko yon sa kanya. Minura pa niya. Tinulak ko siya ng malakas at sinabi kong, "Mumurahin mo pa ko!" at nag-iwan ng parting words sa kanya. Sabi ko, "Tatandaan ko yang pagmumukha mo, tatay ko pulis!" Haha!

Di ko alam kung bakit sinabi ko yung huling salitang iyon. Gusto ko kasi siyang takutin. Pasalamat siya wala siyang nakuha sa akin kapag nahuli ko talaga yon. Ang liit pa naman niya. Nung pabalik na ko, ang daming taong "USI" tatanong tanong. Sabi nga ng mga tiga don na talagang magnanakaw yon at nabugbog na dati at nakuyog. Sana daw at dinala ko sa kanila. Sabi ko, "Okay lang! Wala namang nakuha eh!" Pasalamat siya mabait ako.

Pagtapos binili ko na ang string at pumunta kila Zarah upang kunin ang susi ng church. Pagkuha ng susi ay pumunta na ko ng church upang kunin ang mga gamit nang biglang nagtext ang kuya ko na maghintay nalang daw ako sa Binondo. Sinauli ko ang susi ni Zarah at doon na ko nagpasundo. Kwentuhan, kain at nuod ng TV ang aming pinagkaabalahan.

What a day! Yun lang ang masasabi ko.

Para sa mga Magna:
Mga magnanakaw magbago na kayo!!! May paglalagyan na talaga kayo sa dagat-dagatang apoy!


1 comments:

zarahlim said...

I'm just glad you're safe.

Sana sa susunod wag mo sugurin un magna. You might get hurt.

May the Lord protect you always, doodi. :)