Friday, April 24, 2009

Tumbas

Ginawa ang "salita" upang bigyang kahulugan ang bawat bagay na nadarama at ibig nating ipadama sa ibang tao.  Nabubuo ito gamit ang alpabeto na pag pinagsama-sama, ay nakakabuo ng isang salita. Malaking tulong sa pang-araw araw ng buhay.

Bagamat napakaraming salita dito sa mundo, hindi lahat ng bagay ay nabibigyang kahulugan. Minsan, may mga bagay tayong gustong sabihin na hindi natin mailabas. Kadalasan, naririnig natin, "Di ko maexplain eh!".

Ano nga kaya ang ibig sabihin ng mga bagay na minsan nadarama natin ngunit hindi mailabas?

0 comments: