Wednesday, April 29, 2009

Musika

Hindi kompetisyon ang musika. 
Hindi kompetisyon ang pagtugtog. 
Hindi kompetisyon na mas magaling ang iba.
Ang musika ay dalisay.
Isang sining na walang katulad.

Kung kompetisyon ang musika,
Marahil, walang ni sino man sa atin ang katapat-dapat
Kun'di ito lamang ay para sa taong may angking galing 
At perpektong edukasyon.

Ngunit, hindi dapat balewalain ang kakayahan,
Bagkus bawat tugtog ay buong pusong ibibigay
Hindi "bahala na",
Sapagkat ito'y pagkaloob ng Diyos

0 comments: