Saturday, April 25, 2009

Museong Pambata: Bata man o Matanda, Enjoy!

Napakasayang araw. Kaninang umaga ay ginising ako upang magtungo sa Museong Pambata. Outing kasi ng mga Sunday School Kids o itago nalang natin sa SSK. Medyo late ako kanina pero okay lang dahil may mas late pa sa aking bata, kaya hindi masyadong kapansin pansin ang pagkahuli ko. Nang makumpleto na, kaming lahat ay nagtungo sa Museong Pambata gamit ang magkahiwalay na sasakyan ni Ptr. Zaldy at ni Sis. Josie. Excited ang lahat na pumasok sa iba't ibang silid ng museo ng kami'y nakarating na. Dahil sa adrenalin rush, hindi na pinansin ng lahat ang mga nagiistory telling. Lahat ay nag-eenjoy-- bata man o matanda. Sa bawat sulok ng museo. Dahil sa pagod ng mga bata, tahimik kaming bumalik ng simbahan. Walang ingay at tila pinagbuhat ng  isang toneladang oso ang bawat isa sa kanila. Malamang ay dahil sa init ng araw ng tanghaling umalis kami sa lugar na iyon. Pero kahit ano pa man, enjoy parin ang lahat.:)

0 comments: