Saturday, April 25, 2009

Empitri: Kailangan Kita, Ngayon Na!



Ang lakas ng udyok sa akin netong mga nakaraang linggo. Pinipilit ako ng sarili kong bumili ng MP3 Player. Sinubukan kong tumingin ng mga second hand na Ipod na swak sa aking budget. Masinisinan kong sinaliksik ang mga website na kung saan mayroong classified advertisement ng hinahanap ko. Nakahanap ako ng ilan. Mga dalawa ang sumatotal. Ang saya saya ko dahil bawat isa sa kanila ay nagreply. Halos maubos ang load ko sa kakatext nang kakatext, kakatanong ng kakatanong. Atat kasi.

Yung una kong kameet ay sa Trinoma, umaga palang ay nagtext na kami na magkikita kami doon ng mga 1:30pm, Linggo. Nang dumating ang oras na iyon, kasabay ding dumating ng text message mula sa seller, ang sabi niya ay hindi daw siya makakadating dahil nasira ang baterya ng Ipod niya. Ayaw naman daw niyang bentahan ako ng sira. So dinamdam ko ito ng panandalian at nagmove-on na.

Kinabukasan, may tinetext nanaman ako, sa Ipod din. This time, magmemeet kami sa Edsa-Taft station ng MRT. Dahil pupunta ako nang araw na iyon sa MOA ay sinabay ko na din ang pakikipagmeet. Ang napag-usapan namin ay 3:00PM, Lunes ng hapon. Dumating na ang aking pinakahihintay. Nakarating na din ako sa MRT station upang bilihin ang "soon to be" Ipod ko. Parang deja vu an naganap, nagtext nanaman ang seller sa akin, upang ipaalam na hindi na siya makakapunta dahil malakas ang ulan sa kaniyang pinagtatrabahuhan, hindi siya makalabas. Dahil sa pagkadismaya. Sinabi ko nalang na hindi ko na kukunin yung Ipod niya dahil wala na akong ibang oras.

Talaga nga naman, kung hindi para sa'yo, hindi
para sa'yo. Kahit na magpumilit ka, hindi mo padin makakamit ang iyong ninanais. Ito ang napatunayan ko sa pangyayaring ito! Isang matinding ebidensyang sinampal sa aking mukha.

Dumating ang pinakaaasam asam na oras, kanina. Inuudyok padin ako ni Lawrence na bumili ng Mp3 player. Dahil sa sobrang pagkadesperado, naisip ko na China Mp3 player na Touch Screen nalang ang bilihin ko. Ipod Touch Clone yun eh. Sinama ko kaagad si Zarah at nagmadaling tumungo sa 168 upang kunin ang brandnew copycat mp3 player na mapapasaakin na. Hoping na hindi pa
sarado, masaya kaming naglakad. Nang kami'y makarating, lalo akong lumigaya sapagkat bukas pa ang mall. Tinungo ko agad ang bentahan ng mga mp3 at nagtanong tanong. Nang makita ang hinahanap, tinesting ko ang bawat isa. Umokay na ko! Binigay na ang kahon sa akin nung aleng Tsino ngunit nung tinetesting ko na yung pagkatouch screen nung Itouch, ang hirap pakagatin nung screen pag tinouch mo. Sabi ko, "Bakit ang hirap pindutin, ganito ba talaga." Sabi ng mga ale, ganun daw talaga. Kailangan lang daw i-Calibrate. Isang libong beses kong narinig yung "Calibrate" na salita noong mga oras na iyon. Parang iyon na lang ang salita sa mundo. Gusto ka na ngang i-Calibrate yung mga mukha nung mga ale. Nakaktawa dahil pinipilit nilang pindutin yung touchscreen mp3 nila. Halos durugin na nila yung salamin sa lakas ng pagpindot. Parang nanggigigil sa pangit na baby. Nakapagdesisyon na ako nang matanto kong hindi ko din naman magagamit ng matino itong mp3 player na'to. Hindi ko na kukunin. Sabi ko nalang, "babalik nalang ako bukas dahil ang hirap magdecide ngayon." -- at dali daling umalis. Dahil sa ako'y isang magiting na tao, hindi parin ako sumuko tumingin sa isa pang tinadahan sa taas at nagtanong. Nakakapikon dahil ang laki ng patong nung ale sa tinda niya. Parehas na parehas lang naman. Ang sarap ding i-Calibrate ng mukha. Dahil sa pagkainis, umalis nalang kami at bumalik na sa simbahan.

Ilang bagay ang natutukso akong gawin kanina. Gusto kong itanong sa mga ale, kung ano bang ibig sabihin ng Calibrate. Kasi parang alam na alam nila. Parang buhay na sila ng ipanganak ang salitang iyon. Hinding hindi ko makakalimutan ang salitang 'yon.


cal⋅i⋅brate
–verb (used with object), -brat⋅ed, -brat⋅ing.
1. to
determine, check, or rectify the graduation of (any instrument giving quantitative measurements).
2. to divide or mark with gradations, graduations, or other indexes of degree, quantity, etc., as on a thermometer, measuring cup, or the like.
3. to determine the correct range for (an artillery gun, mortar, etc.) by observing where the fired projectile hits.
4. to plan or devise (something) carefully so as to have a precise use, application, appeal, etc.: a sales strategy calibrated to rich investors.

Balik sa mp3 player na usapan..

Talaga nga naman, kung hindi para sa'yo, hindi para sa'yo. Kahit na magpumilit ka, hindi mo padin makakamit ang iyong ninanais. Ito ang napatunayan ko sa pangyayaring ito! Isang matinding ebidensyang sinampal sa aking mukha.

0 comments: