Ngayon ay bakasyon. Panahon para magrelaks. Panahon para makapahinga sa nagdaang semester na napakadugo. Pinakaaasam asam ng isang estudyante... Ngunit.. di ko na ata kailangan isipin yon, dahil grumaduate na ko:) YIPEE!
Pangalawa, masaya ako dahil first time ko nakasakay ng eroplano (day after graduation) noong sinamahan ko ang aking kuya sa Occidental Mindoro, magmiminister kasi siya dun sa mga kabataan -- magpepreach, at nagconcert pa nga hahaha:) All-access paid trip ako ng kuya ko. Nakaupo pa ako sa bintana ng "erpleyn". Parang isang batang namamangha sa mga ulap at sa hitsura ng mundo sa ibabaw ng himpapawid. Masaya ang buong ekspiryens doon, hospitable ang mga tao. Nakatugtog pa nga ko. Masaya at talagang si Lord ang gumalaw sa buong event. Naaaliw din ako sa mga kwento ni Pastor Galin. Nakakaencourage. Sinundo at hinatid pa kami sa airport noong pumunta at umuwi na kami... How Sweet! HAHA! Salamat sa aking napakabuting kuya sa ekspiryens na ito! Thanks bro!:)
Pangatlo. Noong papunta kami ng Mindoro ng kuya ko-- nasa LRT palang kami noon papuntang EDSA-TAFT termina, Nakaupo kami sa LRT nang biglang sinabi niya saakin na may graduation gift siya sa akin. Naexcite naman ako kagad at labis labis na natuwa nang sinabi niyang computer daw regalo niya saakin. Grabe ang saya saya. Yung isa kasing computer medyo matanda na at uugod ugod. Mabagal nang kumilos at tila ang kanyang memorya ay mahina na din. Palaging pinapasakit ulo ko sa mga projects pag naiistroke sya (naghahang). Noong Linggo, binili nanamin siya. Ang bagong kabahagi ng pamilya!

Pang-apat. Nagpapasalamat ako kay Zarah sa lahat lahat ng suportang binigay niya sa akin. Sa panahon na ako'y nalulungkot. Sa panahon na iniisip ko na hindi ko na kaya. Siya ang nageencourage sa akin! Sobrang masaya ako at parte ka ng aking buhay! Hinding hindi ako nagsisi na nakilala kita. Salamat din sa pag-attend ng graduation.:) Sweet:) Salamat din sa regalo:) Masayang masaya ako. Mwah. Labyu!:* Yihee!
Panglima. Sa lahat lahat ng naging parte ng buhay ko at magiging parte pa.
SALAMAT!
1 comments:
awww. pinasaya mo naman ako. hehehe. thanks dear. ♥
Post a Comment