Nilibre ko ng make-over hetong medyo tumatandang "blogsite" ko. Kailangan na din niya ng mga bagong damit at kaunting kolorete upang kahit papaano ay hindi siya nakakahiyang tingnan.. at nakakasawa.
Ako si Franz Lawrence Cua Tan. Dalawampu't Dalawang taong gulang. Nagtapos ng Fine Arts Major in Advertising sa Pamantasan ng Silangan (UE).
Ang pahinang ito ay nagtatala ng iba't ibang pangyayari sa aking buhay. Mga pangyayaring sakop ang lahat ng bahagi ng buhay: Masaya, Malungkot, atbp.
Ako'y naniniwala na lahat ng dinadaanan natin sa buhay ay may kalakip na aral. Aral na dadalhin natin hanggang sa tayo'y tumanda na't lumisan sa mundong ibabaw.
0 comments:
Post a Comment