Wednesday, April 1, 2009

Another Guitar Day!

Great day! Nakaschedule akong samahan si Brznf kanina para imeet yung kadeal niya.. bibili kasi siyang acoustic guitar na yamaha. Pumunta muna akong iskwela nung umaga, upang magpapicture at magpasukat ng toga.. pero wala daw yung magsusukat at masyadong madaming tao sa picture, balik nalang daw bukas.. 

Nauwi kami sa bahay ng isa kong classmate at nagkaraoke. Hahaha. Bihira kong gawin ito.. pero sa ngalan ng pakikisama. Kumanta ako! (Ganon?) Well, not really, gusto ko din talaga! Yuck! At ang song choices: Bizarre Love Triangle, All I have to Give, etc.... ANU BA YAN! Hahaha!

After that, mga 2:30pm, pumunta na kong SM north, at nagkita na kami ni Brznf. Mineet namin yung tao. Mabait naman at makulet. Maganda din yung gitara nia. Pati feel at tunog. Kwentuhan etc... at napag-alaman kong kaibigan niya ang isang idol ko sa gitara, si Janno Queyquep. Malupit! Hindi nagdalawang isip, kinuha ko yung number. Gusto ko kasi sanang magpalesson, tatanungin ko yung rate niya. 

Nung pauwi na ko. Tinext ko yung number. Nagreply agad sabi tawag daw ako sa binigay niyang number. Ayun. Tinawagan ko at nakausap ko, ang bait at humble.. walang kaere ere. Tinanong ko kung magkano singil niya. Huwag na daw, nahihiya daw siyang magpabayad kasi ibang mundo daw ang pagtuturo ng gitara at hindi iyon ang linya nia. Konting tanungan... at pupunta ako sa bahay nila sa Monday para makipagjam, at magtanong tanong. Astig! Ibang klaseng idol!

Great day!

0 comments: