Wednesday, April 22, 2009

Across the Universe

Nakita ko sa net na ngayon July 2009 ay magrerelease ng album ang Hillsong United. Ito'y pinamagatang Across the Universe. 

Ako'y na-curious sa kung anong musika ang hatid nitong bagong album. Kagaya pa din ba ng dati o may bagong putahe na ihahain sa makikinig? Yan ang mga tanong na umiikot sa aking utak.

Salamat sa teknolohiya, andiyan na ang Youtube at iba pang website na nabibigyan tayo ng pribilehiyong mapakinggan ang preview ng iba't ibang awitin. 

Ang unang awitin na aking narinig dito ay pinamagatang "No Reason to Hide". Sinimulan ito ng mabigat na drum riff na kakaiba ang pakiramdam. Hindi tipikal na Hillsong United. Masarap sa tenga dahil bagong bago ito sa pandinig. Interesting siya. Maganda ang melody at rhythm ng awitin. Inaabangan ko na tuloy ang release netong bagong album.

Kapanapanabik nga talaga itong paglabas ng bagong musika ng Hillsong United. Tiyak na madami nanaman anthem na kanta ang mabubuo dito sa album na ito. Tayo'y maghintay!:)

0 comments: