Sunday, March 8, 2009

Paalam.

















Isa nanamang bituwin ang naglaho sa ating mundo. Tinitingala, hinahangaan sa kanyang talento --pagsulat ng awit at marami pang iba. Paalam, Sir Francis M.

Noong bata pa ako, unang naaalala kong kantang narinig ay "Mga Kababayan Ko". Sinasabayan ko pa nga nung maliit pa ko. Nakakatuwang isipin, mga memories.......

Siya lang ata ang nagustuhan kong rap artist sa talambuhay ko..Walang kaartehan sa paggawa ng musika, kahit anong tipo ng tugtugan pasok sa kanya, maparock, funk, kahit ano..  idol na idol! Isa pang kahanga hanga, ay ang kanyang pagkanationalist. Nakakabilib. Basta, peyborit ko ang Kaleidoscope World! Ganda ng mensahe, ang ganda ng tunog. Panalo! Gawa ng henyo.

Mamimiss talaga ng karamihan si Sir FM. Malaking kawalan sa industriya ng musika ng Pilipinas. Nakakamangha ang mga larawan at mga post nia sa multiply site nia (francismagalona.multiply.com, happybattle.multiplycom). Pinapakita ang kanyang katapangan sa paglaban sa sakit na leukemia. Nakakatuwang tingnan ang mga larawang tila lahat ay nagpapakita ng kasayahan, bagamat, halatang nanghihina na siya sa mga ito. Nakakaiyak din kapag inisip kung ano kayang pakiramdam niya ng mga oras na yon. Hindi ko alam sa lahat ng pumanaw, ngayon lang ako naiiyak.

Lahat ng bagay ay may kadahilanan. Tanging ang Diyos lang ang nakakaalam nito.

Sir Francis, saan ka man naroroon, salamat sa inspirasyon at sa musika. Mananatili kang isa sa mga tinitingala ng lahat! Happy trip!

0 comments: