
It's a priveledge na makaattend sa guitar clinic ni Sir Noel Mendez, isa sa mga hinahangaan kong musikero sa Pinas. Super sessionist. Dati rati sa TV ko lang inaabangan, kanina nakita ko na din. Anyway, nakita ko kasi sa Philmusic na magkakaroon nga ng guitar clinic tong si Sir Noel, free pa.. sa may QC. Ang masaya pa Christian group din ang nagorganize, yung M.O.F. (musicians on fire) na gathering ng mga musikero monthly.
Tagal ko na rin naririnig tong M.O.F., UST days ko pa. Malulupit daw talaga. Kaso walang time pumunta. Sa wakas napuntahan ko na din kanina, though hindi ako nakaattend ng service after nung clinic. . . at least alam ko na puntahan! Neks taym ulet!
Kala ko nga late na ko kasi almost magtthree pm na ko nakarating, 2pm kasi start. Buti la pang masyadong tao. Nag jajam lang sila Sir Noel and the band, lupet talaga. Ang sarap magpatunog ng gitara. Gamit niya yung parker na brown. Ang ganda! Hehehe. Guitarstruck ba! After that, nagsimula na din.. pinalapit kami malapit sa stage. Medyo sa harap ako nakaupo para mas malinaw. Buong session tipong Question and Answer portion. Buti na man din nakapagtanong ako ng ilang mga tanong, bagamat first time ko sa lugar, as in ako lang, nakakahiya. Dapat kasi may kasama ako.. After non, may break, pinagmeryende muna ang maestro. Tapos second round na ganun pa din.... Q&A.. I was expecting sana tipong jamming.. Manginginig siguro ako kung nasama ako dun. Pero sayang. Nagtapos yung clinic sa pagtugtog ni sir Noel ng instrumental song niya.. Meron akong kopya nun eh, yung sa compilation ng mga gitarista ng pilipinas noon. Nalimutan ko lang title.
Ang saya talaga. Tapos umalis na ko. Naglakad ako at kumain mag-isa sa Chowking. Ang takaw ko.:) Pero masarap. Nakakapagod naman kasi maglakad. Nakakairita din ung tawag ng tawag di ko kilala. Jologs alert ata! Siguro yung mga nakakakuha ng number pag nagpapaload ka sa labas. Grrr.... SAYA!
0 comments:
Post a Comment