Nakakabuti ba ang kabute?
Nakakasama ba ang may kasama?
Basta isa lang ang alam ko,
Nakakabulag ang kape.
Sunday, November 9, 2008
Wednesday, November 5, 2008
Hindi ka naman asar no?
Ang pinakaaasaran ng mga pinakanaaasar na taong naaasar sa mga pangyayaring nakakaasar na bumabalot sa nakakaasar na mundo tinutungtungan ng mga naaasar na tao kagaya ni Cesar na laging asar sa kanyang mga kinaaasaran sa kanyang nakakaasar na buhay.
Tuesday, November 4, 2008
Isip Bata
Ipakita mong hindi ka na isang bata,
Hindi ka na isang musmos,
Huwag umastang tulad nila,
Ika'y kumilos hango sa iyong edad
Sa iyong mga reaksyon at katauhan,
Sa iyong pakikipagtalastasan,
Upang ika'y mabigyan paggalang,
Ng mga susunod pang henerasyon,
Sa iyong mga paanan.
Hindi ka na isang musmos,
Huwag umastang tulad nila,
Ika'y kumilos hango sa iyong edad
Sa iyong mga reaksyon at katauhan,
Sa iyong pakikipagtalastasan,
Upang ika'y mabigyan paggalang,
Ng mga susunod pang henerasyon,
Sa iyong mga paanan.
Monday, November 3, 2008
Akin ang Lahat
May isang batang nagngangalang Romy, siya isang batang mainitin ang ulo. Laging galit kahit kanino sa hindi malaman laman na dahilan. Madalas siyang nakikipag-away sa eskenita malapit sa kanilang tahanan. Halos wala nang kaibigan itong si Romy.. marahil sa kanyang pakikitungo sa ibang tao. Kahit ang mga mahal niya sa buhay, hindi na niya pinahahalagahan. Kawawang Romy.
May isang araw na bumili si Romy ng lollipop sa isang tindahan ni Aling Mameng -- mahilig kasi sa kendi si Romy. Habang kinakain niya itong binili niyang lollipop. May dalawang batang magkaibigan ang kanyang natanawan na may hawak na tsokolate at yema. Dahil sa pagkainggit ni Romy sa kendi ng dalawang bata, inagaw niya ito sa kamay ng mga bata at kinutusan ang dalawa. Umiiyak na umalis ang dalawang bata na tila nanginginig pa sa takot kay Romy. Masayang masaya si Romy sa kanyang nakamtan ng mga oras na iyon. Napakasakim nitong si Romy. Hindi siya nakuntento sa isang lollipop na meron siya bagkus pinilit niyang angkinin ang mga bagay na hindi naman kanya.. kahit sa masamang paraan. Hindi na nakuntento sa kung anong mayroon siya sa kanyang mga kamay. Initsapwera lang ito upang makuha pa ang nais ng kanyang panlasa.
Ilang oras ang nakalilipas, bumulagta si Romy sa sahig na yari sa semento na bagong pagawa ni meyor. Sa pagkagulat ng mga kapitbahay, nagmistulang karnibal ang lugar sa dami ng tao at si Romy ang pangunahing tampok. Tila siya ay isang kakaibang nilalang na pinagmamasdan lamang ng mga tao, walang gustong bumuhat o tumulong. Wala ni isang pumunta sa kanilang tahanan upang sabihin ang masamang balita. Dumating na ang mga pulis at lahat. Nadala na siya sa ospital. Bumulaga sa kanyang mga kamag-anak nang sabihin ni Dr. Prudensiyo na sumakabilang buhay na si Romy at hindi na ito naagapan. Sambit nga ng bibig ng doktor, "Kung maaga aga niyo lamang nadala ang inyong anak, sana naagapan natin siya. Pasensiya na misis."
Nagtaka ang mga kaanak kung ano ba talaga ang nangyari kay Romy, at pinaliwanag ng doktor ito nang walang paligoy ligoy. Tinumbok niya kaagad na nakakain si Romy ng pagkaing may sangkap ng melanine. Kawawang Romy. Kung naging kuntento lamang siya sa kung anong mayroon siya.
Hay Romy, kung alam mo lang na ang dalawang batang iyong inagawan ay patungo sa bakanteng lote upang ibaon ang tsokolate't yema sa lupa. Kung alam mo lang na ang mga batang ito'y anak ng isang doktora na nagtatrabaho sa laboratoryong nagsusuri ng mga pagkaing kontaminado. Kung alam mo lang na inutusan silang itapon at ibaon ang mga kendi sa lupa. Kung alam mo lang... Sana hindi ka naging mapag-sarili.

Subscribe to:
Posts (Atom)