Saturday, May 12, 2007

mission week: Accomplished

Nag-missions camp kami sa Valenzuela Full Gospel AG, ang daughter church namin, upang bigyang liwanag ang komunidad ng Parada sa pagpapaalam na may church doon na ginawa para sa kanila.

Andun kami last Sunday pa.

Ngayon nasa bahay na ko.

Eto ang isa sa pinakamasayang linggong aking nakamit, isa sa pinaka-maraming ginawa, pinakanakakapagod, pinakapawisin ngunit PINAKAMASAYA sa lahat lahat. Maraming dahilan kaya ito naging masaya, ilan sa mga ito ay ang mga "firsts"!!! example: Ito ang pinakaunang missions camp ng FIREBRANDS youth team. Bagamat sa mga unang beses na ito, naging successful naman at naging fruitful ang bawat isa sa mga dumalo, at naniniwala akong bawat isa'y naramdaman ang presensya ni Lord!

Naniniwala akong masaya si God sa aming nagawa at naniniwala akong lalong lilinaw ang mga purpose ng bawat isa dito sa mundong ito dahil sa camp na ito.

Masaya ako sa ilang mga bagay:
1. Nalibot namin ang Barangay Parada sa Valenzuela para mag-ingay sa aming pagdating kasabay nadin ang pagimbita ng mga tao. Bilib ako sa lahat sa team, nagawa nilang lahat ito kahit kailangan ng kapal ng mukha! Iba talaga si God, di namin kakayaning kung wala siya.

2. Madaming nagrespond sa aming pagikot, kabataan, maging ilang mga "adult". Masayang isipin na yung ibang nabigyan namin ng imbitasyon sa pag-iikot ay nakumpleto ang buong programa na inihanda namin at nagrespond talaga.

3. Masayang maging kaibigan ang mga bata na aming naturuan, yung tipong ngingitian ka nila at kakausapin pag nakita ka nila sa labas ng church, sama na din dito yung mga natutunan nila na alam naming pinaghihirapan nilang ireview at talagang pinapakinggan nila.

4. Sa mga tigaValenzuelang tumulong sa amin: kila Bro Jessie, Ate Lina at iba pa. The best lahat!!! Lagi kaming may tubig at masarap ng pagkain, madami daming gulay din ako nakain except monggo na dalawang kuchara lang..

5. Masaya ako sa Firebrands Team na ibinahagi ang kinikanilang talento.. nakakabless lahat, nakita ko kasi yung passion at yung pagpipilit para maihatid ng maayos ang bawat programang ipepresent sa mga tao. Masaya din maka-bond lahat.

6. Masaya ako dahil naramdaman ko at nakita ko sa bawat isa sa amin ang paggalaw ni God. Naniniwala akong maibabahagi namin ito pag balik sa Binondo.

Madami pang iba......... dadagdagan ko sa susunod..... TIME OUT MUNA!:)

0 comments: