Wednesday, June 22, 2011

'Rasyon

Naniniwala akong hindi lamang mata ang nakakakita. 'Pagkat kahit ako'y pumikit, iyong mukha ang nasisilayan ko. Ang iyong tingin tila dinadala ako sa kalangitan.

Gugustuhin ko nang mahimlay ng habambuhay kung ang huli kong makikita ay ang iyong ngiti. Sa paghimlay ko'y ikaw ang ala-ala -- wala nang iba. Iiwan ko ang mundo kasama ang problema't pasakit na dulot neto. Salamat at habang ako'y nabubuhay, nariyan ka, binibigyang rason ang aking paggising.

Ikaw ang inspirasyon. Ubod ng kapangyarihan. Kayang pagkalooban ng ngiti matamlay na pisngi. Ikaw ang rasyon ng aking kagalakan. Marahil, ikaw siguro ang RASYON sa salitang inspirasyon.

Salamat.

Sunday, May 1, 2011

ReSign

Matagal na panahon na akong di nakapagtala dito sa aking mumunting "diary". Napakadaming nanyari, napakadaming pinagkakaabalahan na pinagsisisihan kong hindi naitala dito noon. Wala nang magagawa, nanyari na ang nanyari. Buti nalang at may tinatawag na ala-ala sa bawat isa sa atin.

Ngayon ay 12:39 am, May 2,2011. Linggo. Maya maya ay may pasok na sa trabaho. Ang aking trabahong unti-unting nagiging penitensya sa aking kamalayan. Araw-araw, oras-oras, nabibigatan ako pag iniisip ang lahat tungkol sa trabaho. Hindi naman ako overloaded etc., katunayan, wala nga akong ginagawa sa opisina, ngunit hindi ito ang gusto ko. Pakiramdam ko walang "growth" na nangyayari sa akin. Bumababa tuloy ang tingin ko sa sarili ko. Matagal ko nang gustong magresign. Ang hirap pala. May ilang kasing mga bagay na aalalahanin pag umalis sa trabaho. Unang una ay ang pera, malamang. Pano ako lalaba? Pano ako kakain? Pano ko bibilhin ang mga gusto ko kung wala akong trabaho? Hay.. never ending. Kaya ang resulta nito'y nagtitiis parin ako sa isang kompanyang hindi ko naramdaman ang kasiyahan. Sabi ng iba, lumipat na ako dahil mas madaming oportunidad ang nag-aantay sa akin sa labas. Sana nga ganun kadali. Gusto ko na. Gusto ko na. Lord, bigyan mo ko ng senyales.

Panginoon, ikaw ang Diyos ng bukas. Naniniwala ako na pag dumating ako sa puntong bibitaw na, ikaw ang sasalo sa akin. Sa mga oras na iyon, nawa'y maramdaman ko ang kapayapaan na walang pagsisisi kahit katiting.

.....ilang buwan pa?.......

Thursday, June 3, 2010

Revelation

Iba ang pagmamahal ng Lord sa bawat isa sa atin. Sobrang nakakamangha kung paano niya pinapakita ito. Minsan ay literal, minsan ay di maipaliwanag.

Matagal na kong hindi nakakapakinig ng mga praise and worship songs sa ipod. Madalas kasi puro mga trip kong music ang pinapakinggan ko -- yung mga kantang makakapagpaimprove sa aking musicality. Kanina, noong nasa jeep ako patungong lrt, nakinig ako ng ipod. Nagsimula kay Norah Jones ang aking pakikinig. Pag tapos ng Carnival Town na kanta, ini-scan ko ang mga playlist ko at sa di malamang kadahilanan. Bigla kong napansin ang More than Life album ng Hillsong United. Eto ang isa sa mga pinakapaborito kong album. Sobrang powerful ng mga kanta sa akin. Habang pinapatugtog ang mga awit, nagbalik ang napakadaming alaala. Pati ang simoy ng hangin noong panahon kung san sobrang init ko kay Lord ay parang naaalala ko dahil sa simoy ng hangin ngayon. Ipinikit ko sandali ang aking mga mata at sa di alam na dahilan, parang ako'y naluluha. Kasabay ang awit na Where the Love Last Forever, ako'y taimtim na nakinig sa bawat mensahe ng awitin. Nagsimula sa "It used to be darkness... without you", unti-unting nangusap si Lord sa akin. Lahat ng mga milestones ko bilang Christian ay bumalik. Ang sarap ng pakiramdam. Lahat ng bugnot ko sa buhay ay biglang winalis ng pagmamahal ni Lord. Malinis na malinis. Kadalasan kasi, sa mga ganitong oras, ako'y sobrang bugnutin ay masungit dahil sa pagod at mga nakakairitang tao. Noong ako'y nakasakay na sa LRT, tinitignan ko ang bawat isang tao sa paligid ko, parang may nangungusap sa'kin na sinasabing ako'y mapalad dahil ako'y niligtas ng Lord. Hindi ko alam pero tiyak akong hindi lamang ako itong nag-iisip. Madalas kasi ay wala akong pakialam sa paligid. As in.

Salamat Lord!
Ang bilis ng linggo, ang tagal ng araw! Weirdo, pero iyan ang pakiramdam ko ngayon. Nagulat ako na Biyernes na bukas. Kelangan ko pa icheck kung talaga ngang friday na bukas dahil ang bilis ng linggo. Ewan ko ba ba't ang tagal ng araw sa kin. Slow mo pero parang nakakasakay na ko unti unti. Di kagaya noon na mabubugnot ako sa inis dahil sobrang bagal ng oras.

Salamat naman at Biyernes na bukas. Ibig sabihin, makakapagpahinga ako ng 2 araw. Nakokonsensha nga ko minsan dahil ako lang ang walang pasok ng sabado dito sa opisina. Kung tutuusin, whole day din akong busy ng sabado. Busy sa church eh. Pero super enjoy ko ang sabado at linggo. Walang sasarap sa mga araw na iyan.

5 o'clock na ngayon. Tahimik na. Patay na ang mga makina sa baba. Tahimik na. Ang sarap ng 5 to 6pm dito. Halos tengga time na talaga, kahit kanina pa kong umaga tengga. Hay. Hindi ko naman ginugustong matengga dito. Mas gusto ko talaga ang may ginagawa dahil mas mabilis ang oras pag busy.

Ang lamig na talaga ngayon. Senyales na tag-ulan na talaga! Sarap mag lakad sa labas. Sa kabila ng putik at dumi, sobrang sarap ng simoy ng hangin. Fresh na fresh ang amoy. Parang nasa ibang mundo kumpara sa init netong ma nakaraang araw!

Wednesday, June 2, 2010

Isang napakagandang araw sa inyong lahat. Masarap ang pakiramdam ko nung pagbangon ko kaninang umaga. Kakaiba sa mga nagdaang paggising ko kanina. Hindi pawis ang sumalubong sa akin kundi isang napakalamig na panahon at malakas na ulan. Ang sarap. Yung pakiramdam ay maihahalintulad sa nadarama ko noong ako'y estudyante pa lamang -- iyon ay yung pag gising ko, alam ko na na suspended ang klase dahil sa bagyo. Ganon ganon ang pakiramdam ko kanina. Kaya magaan ang loob kong pumasok sa trabaho kanina. Hayyy..

Kasalukuyan akong nagkakape sa starbucks dito sa makati. Ang inorder ko ay ang bago kong paborito, cafe mocha. Gusto ko yung tapang niya. Sana magising ako mamayang 1-6 pm.. Hapontukin time, ika nga ni idol Ramon Bautista. Di bale nagenervon naman ako.

Natawa ako kanina pag-order ko. Kasi salita ng salita yung babae, habang, nagtatanong kung iced o hot. Sabi ko hot. Tapos nagsasalita pa lang ako , sinabayan ako nang anong size. Ewan ko, anong nanyari sa utak ko, nasabi ko, "hot na iced" hahaha. Tawa sila ng tawa. Natawa din ako. Haha. Kahiya.

Nakakainis ang mga taong epal. Meron lang talagang nilalang na saksakan ng epal. Epaloids talaga. Tuwing nagttrabaho ko kada umaga. Meron isa sa opisina, titingin sa ginagawa ko, comment ng comment kesyo ganyan, ganito. Epaloids talaga. Kumukulo dugo ko sa kumag na yon. Sobra. Kesyo wala siyang ginagawa, nangingialam ng mga may ginagawa. At heto ang epal don, di naman siya parte ng creative dep't. Hay... Saksakan ng epal!

Paubos na ang kape ko. Ang ayoko lang dito sa cafe mocha. Tuwing paubos na, laging nakakasuka yung feeling. Siguro dahil sobrang malasa. Pero oks lang. Carry naman.

Naku 12:39 na sa relos ko, sana di ako malate pabalik. Bye bye!

Thursday, May 13, 2010

Ngayon ay Biyernes

Ngayon ay espesyal na araw para sa akin. Biyernes ngayon at ito ang huling araw na trabaho para sa akin ngayong linggo. Mamaya. Mamamasyal kami ni Zarah sa MOA. Excited na ko! Kakaiba ngayon dito sa opisina, parang tengga mode lahat. May naglalaro ng pc games, may nagkekwentuhan, may nakaupo lang at may nagsusulat ng blog (ako yun!) Masarap sana ang ganito kaso ang tagal ng oras pag walang ginagawa. Buti nalang walang boss ngayon. Kaya malaya kaming lahat ngayon.

11 am na ngayon. Ilang minuto na lang lunch break na. Yes!! Pahinga time na ulet. Ang sakit kasi ng batok ko ngayon eh. Ewan ko ba, pag nai-stress ako e! Mas okay na kesa kahapon. Gusto ko na umuwi, kaso sweldo day mamaya kaya kelangan magtiis... Balak ko nga sana magabsent ngayon kaso kelangan kong kunin yung sweldo ko. Hayyy.... This is friday!

Wednesday, May 12, 2010

Parang kelan lang! Atat na atat akong makahanap ng trabaho. Ngayong, tila bumaliktad na lahat ng dati'y inaasam ko lamang. Tama nga ang sinabi nila noon, mas masarap ang estudyante kesa nagtatrabaho. Ang lamang lang naman ng pagtatrabaho eh may sarili ka nang pera. Yun lang.

Nakakapagod ang pagtatrabaho. Lalong nakakainis pag ikaw yung taong hirap makisama. Parang nagiging robot nalang ang araw araw. Gising.. Ligo.. Kain.. Trabaho.. Uwi. Gusto kong magbakasyon. Kaso wala naman akong leave. Nag-iisip na akong umalis dito, nag-aantay lang ako ng kapalit na trabaho. Isa sa mga dahilan na gusto ko umalis ay dahil ang tagal ko na wala pa yung mga benefits ng isang nagtatrabaho. Yung mga leave etc.... Labo!Nakakadepress man. Ginagapang ko na lang ang sarili kong pumasok sa trabaho. Kahit ayaw ko na.